Ang Orden Ejucativa No. 126 24, de Diciembre de 1914 Gobierno De Las Islas Filipinas Ofecina Ejecutiva (Executive Order No. 126, December 24, 1914, The Government of the Philippine Island, Executive Bureau) Noong Disyembre 24, 1914, inilabas ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison ang Executive Oder No. 126 na naghihiwalay sa Guiguinto sa Bayan ng Bulacan, Bulacan. Kung saan kinilala ang Guiguinto bilang independiyenteng (malayang) munisipalidad noong Enero 1, tala mula sa: Malacañang Library, Executive Orders and Proclamation, Issued by the Governor General During the Year 1914: Manila Bureau of Printing 1915; pahina 295-297 Matatandaan na:Ang
Guiguinto ay opisyal na itinatag bilang isang Pueblo noong 1641. Ang salitang pueblo ay ang salitang Espanyol na kapwa para sa “bayan” o “nayon” at para sa “mga tao.” Nagmula ito sa salitang-ugat na Latin na populus na nangangahulugang “mga tao.”
Noong 1903, ang dalawampu’t limang (25) munisipalidad ng Bulacan ay binawasan at pinagsama-sama hanggang labintatlo (13). Kabilang sa mga ito, ang Guiguinto ay naging bahagi ng Munisipyo ng Bulacan (Bulakan) hanggang 1914.
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat!
Sa ngalan ng Pamahalaang Bayan, taos-puso kong ipinapaabot ang aking pagbati at pasasalamat sa bawat isa sa inyo. Sa bawat okasyon na ating ipinagdiriwang, lalo nating pinatutunayan ang pagkakaisa, sipag, at malasakit ng ating komunidad.
Sa gitna ng mga hamon, nananatiling matatag ang ating bayan dahil sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa sa mga programa ng ating pamahalaan. Patuloy tayong magsusumikap tungo sa mas maunlad, mas ligtas, at mas masayang pamayanan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang selebrasyong ito upang higit pa nating mahalin ang ating bayan at ang isa’t isa. Sama-sama tayong mangarap, kumilos, at tumahak sa landas ng pagbabago at pag-unlad.
Maraming salamat, at mabuhay ang ating mahal na bayan!
IGG. AMBROSIO “BOY” C. CRUZ, JR. Punong Bayan
Mahal kong mga kababayan sa Ikalimang Distrito,
Isang maalab na pagbati ng pasasalamat at pagkakaisa!
Ako po ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na tiwala at suporta. Sa bawat araw ng aking panunungkulan, layunin kong mas mapabuti ang ating pamumuhay at maihatid ang mga serbisyong tunay na kailangan ng ating komunidad.
Sa tulong ng inyong pakikiisa, nailunsad natin ang mga proyektong pang-imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at kabuhayan na nakatutok sa mga barangay na higit na nangangailangan. Patuloy rin nating isinusulong sa Kongreso ang mga panukalang batas na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa ating mga kabataan, manggagawa, at maliliit na negosyante.
Ngunit hindi rito nagtatapos ang ating laban para sa pagbabago. Kailangan ko pa rin ang inyong suporta, ideya, at pakikiisa upang mas mapalakas pa ang ating distrito.
Sama-sama po nating itaguyod ang isang mas progresibong Ikalimang Distrito—isang distrito na maipagmamalaki natin sa buong bansa.
Muli, maraming salamat at mabuhay po kayong lahat!
ATTY. AGATHA PAULA A. CRUZ Kinatawan ng ikalimang distrito ng Bulacan
| LOCAL GOVERNMENT OFFICES & NATIONAL AGENCIES | |||||
| DEPARTMENT | DEPT. HEADS/CHIEF OF OFFICES / OFFICERS-IN-CHARGE | .FB PAGE | TELEPHONE NO. | LOCAL | LOCATION |
| EMERGENCY SERVICES | |||||
911 |
|||||
| MUNICIPAL OFFICES | |||||
| MUNICIPAL MAYOR'S OFFICE | Hon. Ambrosio "Boy" Cruz, Jr. | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 241 | 2/F Main Bldg. |
| SANGGUNIANG BAYAN | Hon. Eliseo "JJ" Santos | (044) 919-8260 | 216 | 2/F Main Bldg. | |
| MUNICIPAL ADMINISTRATOR'S OFFICE | Elmer C. Alcanar | (044) 919-8260 | 204 | 2/F Main Bldg. | |
| MUNICIPAL PLANNING AND DEVELOPMENT OFFICE | Ritta Dianne G. Ramos-Borlongan | (044) 919-8260 | 221 | 3/F Main Bldg. | |
| MUNICIPAL ACCOUNTING OFFICE | Ma. Teresa V. Jose | (044) 919-8260 | 211 | 1/F Main Bldg. | |
| MUNICIPAL BUDGET OFFICE | Jenny Rose C. Manalo | (044) 919-8260 | 202 | 1/F Main Bldg. | |
| MUNICIPAL TREASURY OFFICE | Lorna P. Tamba | (044) 919-8260 | 207 | 1/F Main Bldg. | |
| MUNICIPAL ASSESSOR'S OFFICE | Arch. Crisanto H. Bondoc | (044) 919-8260 | 209 | 1/F Main Bldg. | |
| MUNICIPAL ENGINEERING OFFICE | Engr. Arcadio Leover P. Sulit | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 201 | 2/F Main Bldg. |
| MUNICIPAL ECONOMIC DEVELOPMENT & INVESTMENT PROMOTION OFFICE | Yolanda R. Mendoza | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 203 | 1/F Main Bldg. |
| PUBLIC INFORMATION, ARTS & RECREATION OFFICE | Renato T. Villanueva | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 219 | 1/F Back of GMACC Bldg. |
| PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE | Emelita B. San Agustin | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 242 | PESO Bldg. |
| MUNICIPAL ENVIRONMENT & NATURAL RESOURCES OFFICE | Engr. Sudan C. Carreon | (044) 919-8260 | 245 | MENRO Bldg. | |
| MUNICIPAL CIVIL REGISTRAR OFFICE | Arnold R. Bacani | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 213 | 1/F Main Bldg. |
| MUNICIPAL AGRICULTURE OFFICE | Dr. Roel G. Dela Cruz | (044) 919-8260 | 205 | 1/F Left Side of GMACC | |
| MUNICIPAL NUTRITION OFFICE | Dra. Fiela V. Panganiban | (044) 919-8260 | 252 | 2/F Back of GMACC | |
| MUNICIPAL POPULATION OFFICE | Zenaida P. Guanzon | (044) 919-8260 | 251 | 2/F Back of GMACC | |
| HOUSING AND RESETTLEMENT OFFICE | Vilma DL. Gonzales | (044) 919-8260 | 250 | 3/F Main Bldg. | |
| GENERAL SERVICE OFFICE | Engr. Windell John S. Resplandor | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 200 | GSO Bldg. |
| HUMAN RESOURCE & MANANGEMENT OFFICE | Irina Angela F. Francisco-Roque | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 223 | 2/F Main Bldg. |
| MUNICIPAL SOCIAL & WELFARE DEVELOPMENT OFFICE | Edward John S. Mendoza | (044) 919-8260 | 228 | MSWD Bldg. | |
| TRAFFIC MANAGEMENT GROUP | Arturo C. Palileo | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 240 | 1/F MDRRMO Bldg. |
| MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE | Peter John T. Vistan | FB PAGE LINK | (044) 919-8260 | 235 | 2/F MDRRMO Bldg. |
| RURAL HEALTH OFFICE | Dra. Fiela V. Panganiban | (044) 919-8260 | 406 | RHU Bldg. | |
PAROKYA NG SAN ILDEFONSO DE TOLEDO Guiguinto was founded by the Augustinian Friars as a visita of nearby town Caruya (now Balagtas) on 31 October 1607 and placed under the advocation of Saint Ildephonsus although it has been mentioned in the records as early as 1591. On 31 October 1617, it was annexed to the parish of Bulakan. In 1621, the convent of Guiguinto was declared independent from its matrix with Father Bernabe de Villalobos as first parish priest. However, it was again attached to the convent of Bigaa in 1633. Records tell that the convent of Guiguinto was not as affluent as its neighbors. In 1641, it was exempted from paying its dues to the San Agustin Monastery in Manila due to lack of funds. A similar incident occurred in 1669.
The exact date of construction of the present parochial structure could not be identified clearly. It is assumed that the ministers of Guiguinto were only able to erect parochial structures after 1621. Moreover, records tell that the convent of Guiguinto applied for the collection of rice for the construction of a church in 1734. This leads to the estimate that construction of the present church may have started by the latter part of the 17th century but was still unfinished by 1734. Father Buzeta, parish priest in 1832, built the road to Bigaa and the Catholic cemetery in 1848. The church and convent of Guiguinto sustained great damage from an earthquake in 1863. Repair works were still being conducted in 1864. Between 1955 and the early 1960s, the church of Guiguinto was renovated under Father Carlos E. Bernardo. The remodeling, which involved the plastering of the exterior, repainting of the entire structure and construction of a new altarpiece, reportedly costs ₱ 50, 000.00.
The façade is divided into three vertical sections by four sets of Doric columns. The columns, which is said to be added for ornamentation purposes, supports a triangular pediment adorned by an oculus and volutes on the end. Geometric motifs can also be found on the plastered side portals. Saint’s niches, stained glass and an Augustinian emblem add details to the otherwise plain façade. To the right of the church rises the four-level, octagonal bell tower which features similar designs as the façade. Two bells can be found on the tower: one cast by Hilario Sunico in 1889 and was installed by Father Pedro Quiros and a smaller one dating 1887.
Source: Wikipedia The Free Encyclopedia
Pagkatapus ng di kakaunting pahirap na ginawa sa lima kataong ito, ay pinagbabaril at ang kanilang mga bangkay ay patagong ipinabaon sa libingan ng bayan. Ang inasal na ito sa lima katao ng walang anomang paglilitis, ay ikinabalisa ng mga taga-Giginto at ipinag-isip ng paghihiganti. Noon din ay kumilos ang magpinsang Paulino at Agapito Garcia, kapwa naninirahan sa nayong Tabang, Giginto, at pinatay ang dalawang kawal na kasadores na malimit nagsisilabas sa kanilang himpilan at nangloloob sa bahay-bahay, na matapus pagpapadapain ang lahat ng maratnang tao sa loob, ay hinihingi ang susi ng mga kaban at baul. Upang maitago ang katampalasanang ito sa mata ng mga kastila at maka-kastila sa bayan, ang mga bakas at bahid ng dugo ng dalawang pinatay, ay pinagsasabuyan ng alikabok ng mga babaing natitira sa kalapit na bahay, na pinangyarihan ng pagpatay na nasa may bungad lamang ng nayon, mula sa bungad na ito hanggang sa pook ng Pinyahan na pinaglibingan sa dalawa. Pagkaalam, kinabukasan, ng mga pinunong kasadores at sarhento sa himpilan ng Giginto sa pagkawala ng dalawang kawal, kapagkaraka’y ipinag-utos sa mga kawal ang pagsisiyasat sa lahat ng bahay-bahay sa kabayanan, at sapagkat hindi makakita ng anomang bakas na sukat ikakilala sa naturang pagkamatay ng dalawang kasama, sa malaking pagkapoot ng punong kasadores sa lahat ng taong-bayan, ay nag-utos ng ibang paraan ng pagsisiyasat. Kinabukasan noon, at nang kasalukuyarg nagmimisa, na sanhi ng ipinagkatipon ng maraming tao sa simbahan, — sapagkat sa Pilipinas nang kasalukuyang nangyayari ang panghihimagsik, ay lalung napagkilala sa taong bayan ang banal na pag-ibig sa Diyos nang higit sa alin mang panahon ng kapayapaan — ang ginawa ng nasabing pinunong kastila, ay ipinag-utos sa kanyang mga kawal na bantayan ang mga pinto ng simbahan at huwag tulutang may isa mang lumabas na tao, man tapus ang misa, hangga’t walang sinomang nagsasabi ng totoo sa pagkamatay ng dalawang kawal na hinahanap. Dahil sa pasyang ito ay isang matandang babaing nagngangalang Buro ang kusang humarap, sa pamamag-itan ng kurang Leocadio Sanchez, at nagsabing noong kamakalawa sa gabi, ay nakita niyang nagdaan sa nayon ng Tabang ang dalawang kasadores na patungong kabesera ng lalawigan. Nang masiyahang-loob ang pinuno sa pahayag na ito, at ng maypahinto ang pagpapabantay sa simbahan, ay lumakad na kasama nang lalung maraming kawal na kasadores at nagtungo sa labasan ng nayong Tabang; dito’y pinagdadakip at pinigil ang lahat ng taong masumpungan at makita sa daan, at dahil sa isa man sa mga taong ito’y walang makapagsabing tumpak sa itinatanong bagay sa dalawang kawal na nawawala, ay ipinag-utos sa mga kawal na pagbabarilin noon din ang lahat, utos itong sinunod, kaya sa mga kulangpalad na pinaghuli ay wala isa mang nakaligtas sa biglang kamatayan. Ang dami ng mga bangkay na natimbuwal sa paraan ding yaon, ay may pitong kariton na pawang ipinadala sa kabesera ng lalawigan.
To cater the increasing number of school children, one of the owners of the lot nearby the school, donated additional lot or a total of 341 sq.m. In 1974 wherein three classrooms were constructed. The school caters not only children from Poblacion, Guiguinto, Bulacan but also from other nearby barangays such as Tuktukan, Tabang, Sta. Cruz, Sta. Rita, Malis and Tabe. Albino B. Narciso Auditorium was constructed in 2002 by a generous foundation of the Filipino Community who based in the United States of America. This was to be venue of gatherings and programs for the town’s people of Guiguinto, Bulacan. As one of the leading schools in district, known for its great achievement in the visuals and performing arts and academic performance, the school continued its moments with leading school heads and teachers of Bulacan. Source: Guiguinto Central School
Sustain economic growth; Improve access to quality basic social services; Promote a community resilient to disaster and adaptive to climate change; Maintain adequate infrastructre, clean and safe environment; and Continue the culture of excellence in local governance.
The Garden Capital of the Philippines serving as the business gateway to the north and providing its empowered citizenry a diversified economy, well-planned and safe environment managed by a responsive and transparent local government unit under the guidance of the Almighty.
We are committed to good governance to make the Municipality of Guiguinto a livable place and the “Garden Capital of the Philippines We shall provide our constituents and stakeholders with services Characterized by transparency, accountability, and efficiency through effective implementation of our quality Management System compliant with the requirements of the standard, as well as with relevant Statutory and regulatory requirements. This Quality Policy shall pe communicated and understod by the employees, and it shall be pursued by adopting the following principle
I, the Municipal Mayor of the Municipality of the Guiguinto, do hereby commit the Municipality’s resources and assume full responsibility for the implementation of the Quality Management system and in the conduct of a periodic reviews continually improve the errectiveness of the OMS. This Quality Policy is made avallable to all interested parties.