history

CALUYA NOON GUIGUINTO NGAYON

PASIMULA

Minabuti naming lagyan ito ng pambungad na pananalita upang sa gayo’y maipaliwanag ang iksima ng pagsasalaysay ukol sa pasimula ng unang mga mamamayan, mga katangi-tanging rdim pangyayari, mga kaunlaran, at mga pagbabago ng kapaligiran, sa pamamaraang kronolohika, Sa ngayon, ay may apat na raang (400) taon na ang nakalipas na may mga nakatalang kasaysayanlpangyayari sa Guiguinto na nuong una ay tinawag na CALUYA. Ang mga mamamayan dito ay siyang sumaksi sa mga iba’t-ibang kabayanihan at naiibang mga pangyayaring naganap at kasama na rin dito ang mga alamat ng 14 na barangay. Maraming salamat sa mga punong guro, mga guro, mga mamamayan ng Guiguinto lalu na sa mga Sanggunian at Punong Barangay, Punong Bayan, Pangalawang Punong Sayan at sa buong Sangguniang Bayan, mga pinuno at kawani ng Ramahalaang bayan. Silang lahat ang mga tumulong sa lathaing ito. Salamat po.

ANG PANAHON NG GLEYSIYAL AT PALEOLITHIC

Buhat sa isang aklat kasaysayan ng lungsod ng Maynila na sinulat ni Gng. Carmen Guerero Nakpil, na siyang patunay na ang “geological” na simula ng Bulakan ay halos kasabay na rin ng Maynila. Kahit pa sa pasimula pa nito ay tinatawag na panahon ng gleysiyal sa pulo ng Luzon na kung saan matatagpuan ang mga matataas na bundok Carabalyo, Cordilyera, Sierra Madre, bundok Zambales, Bataan, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at mga bundok sa lambak ng Cagayan. Sa mga kabundukang ito matatagpuan ang maraming ilog, sapa, lawa at dalisdis na pawang humahantong sa dagat at look. Sa maraming mga pagsasaliksik kasaysayan ng lalawigang Bulakan ay pinatutunayan na ang mga unang TAO rito ay nagsimula pa nuong matapos and panahon “PALEOLITHIC”, maraming taon na ang nakalipas (250,000 years ago) na sumunod sa panahon ng elepante at raynoseros na pinatutunayan ng mga kalansay at buto nito na dito natagpuan sa Bulakan. 1

CALUYA NOON GUIGUINTO NGAYON

ANG UNANG TAO SA GUIGUINTO

Ang mga unang TAO sa Guiguinto ay tulad din karaniwang katutubo na matatagpuan sa maraming mga lugar ng Bulakan.
May sari-sariling pamilya sila at karaniwang nakatira sa kuweba itaas ng punong kahoy upang makaiwas sa mga mababangis hayop. Ang mga kinakain ng unang mga tao ay mga hayop, tulad ng ibon, paniki, alimango, isda, baboy damo, usa at mga bungan kahoy. Sila ang tinatawag na mga “DUMAGAT” at ang iba naman ay tinatawag na “BALUGA”. Mayroon ding ilang mga maliliit lahing kulot ang buhok na tinatawag na “ITA”. Sa katunayan marami pa ring mga Dumagat sa mga kabundukan ng Bulakan, hanggang ngayon na nuong mga unang panahon ay sila ang mga kauna-unahang mamamayan dito sa mga bandang silangan ng Guiguinto. 1 Sanay na sanay sila sa paghawak ng sibat at pana lalu silang mahusay na gagawa ng maraming klaseng silo patibong sa paghuli ng iba’t-ibang hayop na kanilang kinakain. Unti-unti silang gumagawi sa kabundukan noong dumating na ai panibagong bugso ng lahing malayo at kayumanggi na kung tawagin ay “TAGA-ILOG” na noong dumating sa Guiguinto bala-balangay at sa ilog Guiguinto sila nagdaan buhat sa look Maynila. 1 Sinasabi rin ng maraming tala ng kasaysayan na ang dahilan ng paglayo ng mga Dumagat sa kapatagan ay sa dahliang nakita nila ang kaibahan ng kanilang kabihasnan lalu na pananamit at sa pagluluto ng pagkain. Ang mga taga-ilog ay may damit at may mataas na antas ng sibilisasyon, may disiplina mahilig sa musika at mahusay makipagkilala. Sa pasimula nakikipag-kaibigan at nakikipagpalitan ang mga Dumagat ng iba ibang mga bagay sa Taga-ilog, subalit unti-unti rin sila gumawing paitaas sa kabundukan. Ang mga taga-ilog ay marunong magluto at gumawa ng mga palayok na lutuan, humabi at gumawa ng damit. Ang bawat Balangay ay organisado. Mayroon silang pinakapuno at mga patakarang sinusunod. Dito na nagsimula ang mga mamamayan sa Guiguinto. Marunong silang magtanim ng iba’t ibang halaman na ang mga binhi ay dala nila tulad din ng ilang hayop. Ano pa’t panahong yaon na may dalawang saling lahing Malayong nakarating at nanirahan sa Guiguinto ay may sari-sariling antas ng kabihasnan. Mayroon din silang paniniwalang Moslem sa pagsamba at may iba’t-ibang pamamaran sa paggamot sa karamdaman may sari-sariling istilo at pamamaraang herbal na kahit hangarng sa ngayon ay mayroon pa ring ginagawang para-paraan sa paggagamot, na tulad ng mga albularyong kinamulatan nuong wala pang doktor. Marunong din silang magsuot ng pulseras sa braso at binti. Sa katunayan ay marami ring mga Dumagat ang bumababa at ipinagpapalit ang kanilang ginto, bakal, tanso at mga buto ng hayop na nakukuha nila sa bundok na ginagawang dekorasyon sa katawan na nagugustuhan naman ng mga Taga-ilog o Tagalog.

CALUYA NOON GUIGUINTO NGAYON

PIRYODISASYON

Noong sumapit ang taong 1582, pagkaraan ng apat na taong sakupin ng mga Kastila ang buong lalawigan ay ginawang kabisera ang Bulakan, Bulakan. Naging isang sityong barangay CALUYA (Magkasama pa noon ang Balagtas at Guiguinto) na sakop ng basisera. Noong taong 1591 ang malawak na kapatagan sa Guiguinto sa gawi ng Bulakan, Bulakan ay ginawang ENCOMIENDA 3 at ito ay ibinigay sa isang Encomenderong kastila na si Don Ligero. Simula noon ay si Don Ligero na ang tiwirang nanagot sa Alcalde Mayor sa kabisera. Palibhasa’y malapit sa kabayanan ang Encomineda kung kaya’t nakita nila ang mabilis na pag-unlad ng kapaligiran at pagdami ng populasyon dito. Si Padre Calceo na isang Augustino noong 1637 ay nagtayo ng tripan o tratado patungo sa pagpapagtatayo ng isang Asyenda Augustino, upang siyang sumustento sa mga kumbento at seminaryo sa Maynila na tinatawag na Santisima Hombre de Jesus. 4 Ang lugar na ito ay nasa gawi ng Ilang-ilang na dating sinasakop ng Hacienda Ilang-ilang de Guiguinto. 5 May lawak itong sinasakop sa 2,364 hektarya. Ang Balagtas at Guiguinto na ang tawag noong unang panahon ay CALUYA na ginawang isang ganap na bayan noong taong 1621.6 Pagkaraan ng sampung taon ay binigyan naman ng Balagtas ng pagsasarili ang Guiguinto noong Abril 24, 1638. 7, at dito na nagsimulang tawaging BIGAA ang lugar ng Balagtas bagama’t ang lugar ng Guiguinto ay nanatiling CALUYA ang pangalan. Hindi naman nagtagal, noong taong 1641 ay nagkaroon na ng bagong pangalan ang CALUYA at ito ay tinawag na GUIGUINTO. Bilang isang ganap na bagong bayan ay nagkaroon na ng sariling Gobernadorcillo at nakatalagang paring Augustino na siya rin ang nagsimula sa pagpapalaki at pagpapagawa ng simbahan ng Guiguinto. Ang kabuuang konstrukyon ng simbahan ay natapos noong taong 1650 at kasabay ng inagurasyon ay opisyal namang iniluklok ang patrong San Ildefonso de Obispo sa Guiguinto bilang isang parokyang itinatag ng mga paring Augustino.

CALUYA NOON GUIGUINTO NGAYON

ANG ALAMAT NG PANGALANG GUIGUINTO

Ang bayan ng Guiguinto ay maituturing na isa na sa maunlad na bayan ng Bulakan. Ang pangalan nito ay nagsimula sa salitang “hihinto,hihinto”. Ganito ang pinagsimulan ng pangalan ng bayang ito. Noon daw unang panahon na bago pa lamang kararating ng mga Kastila sa kapuluan ay maraming naglalakbay na mga paring Augustino mula sa Timog patungong hilaga ng Luzon. Ang karaniwang sasakyan noon ay hinihila ng kabayo. Pagsapit ng mga sasakyang ito sa tapat ng lugar na kinatatayuan ngayon ng simbahan ay sumisigaw ng “Hinto,Hinto!” Sapagkat sila ay babagtas ng ilog at ang sinasakyan ay hindi makatawid. Ang mga sakay ay maglalakad na lamang upang makatawid sa ilog. Buhat noon ay naging palasak nang pangalan ng lugar na ito ang hihinto,hihinto hanggang sa lumaon ay nauwi sa Guiguinto. Ayon naman sa isa pang bersyon ng kasysayan, diumano, tuwing gabing kabilugan ng buwan, may isang nagniningning at nag-aapoy na baka ay hihinto at umiinom sa ilog. Dahil sa mala-gintong luningning ng baka, ang bayan ay tinatawag na “GINTO”, hanggang sa lumaon ay naging Guiguinto. Alin man ang may katotohanan sa dalawang bersyon ng alamat ng pinagmulan ng pangalang GUIGUINTO ay maganda pa rin ang tunog kung bigkasin na sumasagisag sa gintong busilak ng kayamanan at kaunlaran ng pamayanan.

CALUYA NOON GUIGUINTO NGAYON

ANYONG PISIKAL

Ang bayan ng Guiguinto ay isang maliit na bahagi lamang ng lalawigan ng Bulakan na may tatlong pormasyong Heograpikal na kung tawagin ay kabundukan, kapatagan at baybayin sa look ng Maynila. Ang bayan ng Guiguinto sa kanyang tala, ay nasa kapatagan at may sukat na laking 24.98 kilometrong parisukat o 2,498 hektaryang kabuuan na siyang sumasaklaw sa 14 na barangay. Sa gawing silangan ay humahanga sa Balagtas, sa gawing timog ay Bulakan, Bulakan sa gawing kanluran ay Malolos at sa bandang hilaga naman ay ang Plaridel. Ang magandang katangian ng Guiguinto ay masasabing walang kaparis at walang makatulad na bayan sa Pilipinas, ito ay sa dahilang, bumabagtas dito ang dalawang dambuhalang (Expressway) lansangan buhat sa Metro Manila. Maganda ang lokasyon ng mga lupang sinasakop ng bayang Guiguinto sa dahilang mayroong kabukiran, kailugan at palaisdaan at magaganda ang mga lansangan sa kaanyuan.

CALUYA NOON GUIGUINTO NGAYON

KLIMA

Tulad din ng ibang mga bayan sa Bulakan na may dalawang panahon taun-taon, ang Tag-araw at Tag-ulan at kahit ang ilog ng Guiguinto ay mayroon ding katangian na may tubig-alat kung tag-araw at tubig-tabang naman kung tag-ulan. Sa isang salaysay kasaysayan noong unang panahon ay ang bayang Guiguinto ay ginagawang pahingahan kahit ng mga paring kastila dahilan sa kagandahan ng kalikasan at kapaligiran sa lugar daw na ito ay sariwang hangin ang sumisimoy na bukod tangi sa bayang ng Bulakan. Sa katunayan daw sa kalawakan ng lalawigan ay dito sa Guiguinto ang piniling pagtayuan ng isang paaralan at palihan ng gawang kabanalan at ito ay ang “Immaculate Concepcion Seminary”. Dito rin inilagay ang halaman ng lalawigan gayon din ang maraming malawak na tanimang pribado ng mga halamang pangkomersyal na siyang pangdekorasyon sa bakuran at liwasan maging ito ay bulaklakin o hindi man. Patunay lamang ito na maganda ang KLIMA sa bayan ng Guiguinto.






7. Setyembre 20, 1944 – Dito hinarangan ang tren ng pangkat ni Komander A. Jose at pito (7) ang napatay na Hapon at nakakuha ng mga armas at limang (5) drum ng gasolina.
8. Sa lugar na ito inabangan ng magpinsang Paulino at Agapito Garcia ang isang Komandante at isang Sarhentong Kastila at kanilang pinatay bilang ganti sa ginawang masaker.
9. Ito ang lugar na ginawang Hasyenda Ilang-Ilang de Guiguinto na sumakop sa mahigit 2,000 hektarya.
10. Sa lugar na ito unang naging biktima ng mga kastila at pinatay ang limang (5) pawang mga taga Guiguinto.
11. Enero 19, 1945 – Nilusob ang Garison ng Hapon dito at napatay na lahat ang dalawampung (20) mga Hapong nakatigil dito at nakuhang lahat ang armas at bala ng pangkat GST ni Komandante A. Jose.
12. Oktubre 05, 1944 – hinarang ng pangkat ni komandante A. Jose ang tren at anim (6) ang napatay na Hapon at nakuha ang mga kargang pagkain.
13. Sa lugar na ito tinambangan at pinatay ng mga Katipuneros ng Guiguinto ang salbahing kura parokong si Padre Leocadio Sanchez at kasama ring napatay ang anim (6) na pare at isang doktor na kastila na galing sa Dagupan na bisita ng kura.
14. Disyembre 28, 1944 – Sa lugar na ito sinalubong at tinambangan ng pangkat GST ni komandante A. Jose ang tren at labing-anim (16) na Hapon ang kanilang napatay. 15 Ito ang lugar ng simbahan na ginawang matibay na bato at nilakihan nuong taong 1641.
(Isang makasaysayang palatandaan sa bayan ng Guiguinto ay ang Estasyon ng Tren ( Estacion de Guiguinto ) na matatagpuan sa Barangay ng Tabe. Sa lugar na ito tinambangan ang mga mapaghimagsik na Katipuneros ang isang tren no galing Dagupan at napatay ang lulan nitong anim na pari, kabilang ang pari ng simbahan ng Guiguinto na si Fr. Leocadio Sanchez at isa pang Doktor na Kastila. Sinasabing isinapelikula ang insidenteng ito at pinamagatang “Walang Sugat” na pinangungunahan ng mga artistang sina Leopoldo Salcedo at Rosa del Rosario

guiguinto
2016 Copyright | Municipal Government of Guiguinto | Guiguinto, Bulacan | MIS